BBM

Pamamahagi ng titulo sa mga benepisyaryo ng CARP pinamamadali

131 Views

PINAMAMADALI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng titulo sa mga benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Inatasan ng Pangulo ang Department of Agrarian Reform (DAR) na bilisan ang pamimigay ng certificates of land ownership awards (CLOA) sa mga benepisyaryo.

Tiniyak naman ng Pangulo na magbibigay ito ng suporta sa mga agrarian reform beneficiaries (ARB) upang mapaganda ang kanilang kabuhayan.

Ayon sa DAR, target nito na makapagbigay ng 134,000 titulo sa ARB ngayong taon.