Martin Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pamamahagi ni PBBM ng ambulansya isang ‘game-changer’ sa serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad — Romualdez

451 Views

PINURI ni reelected Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pagpapalakas nito ng serbisyong pangkalusugan sa bansa, partikular ang pamamahagi ng Patient Transport Vehicles (PTVs) sa mga lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas.

“We commend President Marcos for his unwavering commitment to make quality healthcare accessible to every Filipino,” ani Romualdez. “The deployment of emergency medical vehicles is not just a policy move—it is a lifeline extended to the farthest barangay, where medical access is too often delayed or denied.”

Ang PTV program ay naglalayon na mabigyan ng emergency medical vehicle ang lahat ng 1,493 lokal na pamahalaan sa bansa. Bago matapos ang taon ay inaasahan na mabibigyan na ng PTV ang lahat ng bayan at lungsod sa bansa.

“As the first responders in any crisis, our LGUs must be fully equipped. These are not mere transport units—they are instruments of hope and survival,” sabi ni Romualdez. “They will bring urgent care to communities where clinics or hospitals may be hours away.”

“Hindi dapat maging hadlang ang layo ng tirahan para sa agarang lunas o tulong-medikal,” dagdag pa ng mambabatas. “Kaya’t buong suporta ang ibinibigay natin sa mga inisyatibang tunay na naglalapit ng serbisyong medikal sa bawat sulok ng bansa.”

Mula Enero hanggang Hulyo 2025, 567 PTVs na ang naipamahagi sa iba’t ibang bayan at lungsod. Target na maipamahagi pa ang 985 yunit ngayong taon, o kabuuang 1,552—sapat para sa lahat ng local government units (LGUs), kabilang na sa mga lugar na malayo o may mataas na pangangailangan.

Sa pinakahuling handover ceremony, 91 PTVs ang ipinamigay sa mga lokal na pamahalaan sa Northern Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), alinsunod sa pagpapatupad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kanilang Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) para sa taong 2025.

Ang MTVDP, na may P2.2 bilyong pondo na inaprubahan ni Pangulong Marcos, ay malinaw na patunay ng dedikasyon ng administrasyon sa pagpapalawak ng universal healthcare at sa pagpapalakas ng kakayahan ng bansa sa pagtugon sa mga medical emergency.

Ang bawat PTV ay nilagyan ng mahahalagang kagamitang pang-emergency tulad ng stretchers, oxygen tanks, blood pressure monitors at emergency medical kits, upang matulungan ang mga first-aid responders sa pagbigay ng paunang lunas at pag-stabilize ng pasyente bago ito madala sa ospital.

Muling tiniyak ni Romualdez ang buong suporta ng Mababang Kapulungan sa mga programang pangkalusugan ng administrasyong Marcos, at nangakong ipagpapatuloy ang mga hakbang para suportahan ang mga programang nagpapalakas sa kakayahan ng mga LGU at nagtataguyod sa kalusugan at kapakanan ng bawat Pilipino.

“This is leadership that delivers,” giit ni Romualdez. “President Marcos is building not just infrastructure, but trust—trust that no Filipino will be left behind in an emergency. With every PTV we turn over, we’re bringing government closer to the people, and proving that Bagong Pilipinas is not just a slogan, but a promise kept.”