CAAP

Pamamahala sa 6 airport inilipat sa BARMM

Jun I Legaspi Jan 13, 2023
250 Views

INILIPAT na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang pamamahala sa anim na airport sa nasasakupan nito.

Ang anim na airport ay ang Awang Airport sa Maguindanao del Norte, Wao at Malabang Airport sa Lanao del Sur, Sanga-Sanga Airport at Mapun Airstrip sa Tawi-Tawi, at Jolo Airport sa Sulu.

Nauna ng pumirma ang CAAP at BARMM Ministry of Transportation and Communications (MOTC) ng isang kasunduan para sa paglilipat ng mga assets at mandato sa BARMM alinsunod sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ang BARMM MOTC na ang mamamahala sa mga passenger terminal building (PTB), administrative building, at vehicular parking area ng mga nabanggit na paliparan.

Mananatili naman sa CAAP ang air side management na kinabibilangan ng air traffic control tower, air navigation equipment at iba pang pasilidad.