LTO

LTO naglabas ng show cause order laban sa driver na umararo sa 12 sasakyan

Jun I Legaspi Jan 13, 2023
148 Views

NAGLABAS ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa may-ari at drayber ng SUV na umararo sa 12 sasakyan sa One San Miguel Avenue, Barangay Wack Wack, Mandaluyong City.

Ipinatawag din ang may-ari at ang drayber ng SUV sa tanggapan ng LTO Intelligence and Investigation Division (IID) sa East Avenue, Quezon City sa darating na Enero 16, alas-dos ng hapon.

Hihingan ang dalawa ng paliwanag ng LTO kung bakit hindi sila masampahan ng kasong reckless driving at kung bakit hindi kailangang bawiin ang kanilang lisensya sa pagmamaneho.

Ipinasuspendi na rin ng IID ang lisensya ng dalawa bilang bahagi ng pagsuspendi rito ng 90 araw.

“Failure to surrender their driver’s licenses as required, any motor vehicle driven by them shall cause its impounding thereof,” saad ng isang pahinang Order na pirmado ni IID Officer-in-Charge Renante Melitante.

Sugatan sa insidente ang 13 drayber at pasahero sa insidente.