Bigti File photo ni JONJON C. REYES

Pamangkin nakita si tito na nakabigti

28 Views

NATAGPUANG nakabigti ang isang binata sa kanyang inuupahang bahay sa Quezon City noong Lunes.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-7:00 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktimang nakabigti sa inuupahang bahay sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/Ssg. Erwin Jay Mendez, pinuntahan ni alyas Urias ang biktima na kanyang tiyuhin para alukin na kumain sa kanilang bahay.

Subalit pagbukas umano nito ng pinto bumungad sa kaniya ang nakabigting tiyuhin sa kisame.

Nang maibaba sa pagkakabigti ang biktima wala na itong buhay.

Sa ocular investigation, isang nakasulat sa dingding ng bahay ng biktima na nagsasaad ng “Sorry!!! Di ko na kaya ___ is now signing off.”

Huling nakitang buhay ng kanyang pamangkin ang biktima bandang alas-8:00 ng gabi noong Pebrero 15 na nakaupo sa sala ng kanilang bahay.