Barda

Pambansang Ginoo sinagot isyu sa kanila ni Barbie

Vinia Vivar Jun 20, 2024
56 Views

Humarap kahapon sa entertainment press sina Barbie Forteza at David Licauco (BarDa) para sa grand mediacon ng first movie nila na That Kind of Love produced by Pocket Media Productions, Inc.

As usual, kinulit na naman ang dalawa ng press tungkol sa kanilang relasyon bilang magka-loveteam at kung may posibilidad ba na maging sila sakaling wala silang mga dyowa in real life.

Isa nga sa mga tanong kay David ay kung may time ba na pumasok sa isip niya na sana ay sila na lang ni Barbie.

Nahirapan ang Pambansang Ginoo na sagutin ang tanong pero sinagot din naman niya. Bagama’t paikut-ikot ang kanyang statements, basically, ayon kay David, mas madali sana para sa isang magka-loveteam kung may relasyon din sila in real life dahil parati nga silang magkasama.

“Minsan, naiisip ko lang din, ‘uy, mas madali siguro ‘yung ganu’n,’” aniya.

Nang tanungin siya kung ano ang diretsong sagot, napaamin siya ng “oo naman. Kayo naman talaga, o!”

Sinegundahan ni Barbie ang sinabi ng ka-loveteam.

“Mas madali siguro ang magiging trabaho namin as loveteam kung kami talaga sa totong buhay,” aniya.

But then, what happened to them ay naka-develop sila ng strong friendship na siyang nagpapadali sa kanila to work together.

Pero sa tanong kung may posibilidad ba na ma-in-love siya kay David kung wala siyang Jak Roberto, ani Barbie, wala siya sa posisyon para sagutin ito dahil hindi naman ito ang kanyang sitwasyon ngayon.

“Siguro, ask me again when we get there. Kasi sa ngayon, I don’t think I have the right answer to that,” she said.

Sa nasabing mediacon pinuri-puri ng press ang magandang trailer ng pelikula at ang napakalakas talagang chemistry ng BarDa.

Mula sa direksyon ni Catherine Camarillo, showing na mga sinehan nationwide ang That Kind of Love sa July 10.