Martin

Pamumuno ni Speaker Romualdez kinilala ni Villafuerte, iba pang Bicolano solons

Mar Rodriguez Oct 27, 2023
168 Views

KINILALA ni National Unity Party (NUP) president LRay Villafuerte at iba pang kongresista mula sa Bicol region ang “decisive, result-oriented leadership” ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na nakatuwang ng administrasyong Marcos sa pagsusulong ng mga programang makatutulong sa mga Pilipino.

Kasabay nito ay ipinahayag ni Villafuerte, Camarines Sur Reps. Miguel Luis “Migz” Villafuerte at Tsuyoshi Anthony Horibata ang kanilang pagsuporta kay Speaker Romualdez bilang lider ng Kamara.

“Because of his decisive, result-oriented leadership, Speaker Martin (Romualdez) has managed to shepherd through the 300-plus strong House this early the final approval of all of the President’s priority bills for the year—three months ahead of schedule,” ani Villafuerte, dating gubernador ng CamSur.

“The House has certainly been a highly productive legislative chamber on the Romualdez watch, crafting a substantial number of social protection measures in support of the commitment of President Marcos not to leave any Filipino behind in his Administration’s quest for a peaceful and prosperous nation,” sabi naman ni Migz Villafuerte, na dati ring gubernador ng probinsya.

Sabi naman ni Horibata, “Under the Speaker’s leadership, the bigger chamber has likewise passed a substantial number of measures meant to further stimulate the economy post-pandemic, and create more jobs and livelihood opportunities in step with the Marcos administration’s goal of inclusive high growth.”

Ayon sa tatlong mambabatas sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay mabilis na pag-apruba sa 20 panukala na prayoridad na maaprubahan ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) bago matapos ang taon.

Dahil sa uri ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay naging partner ng Kamara ang administrasyon sa paggawa ng mga hakbang upang agad na makabangon ang ekonomiya mula sa epekto ng pandemya.

Batay sa ulat ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, sinabi ni Villafuerte at kanyang mga kasama na nakasungkot ang Pangulo mula sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa ng kabuuang P1.4 trilyong pamumuhunan na makalilikha ng mga de kalidad na trabaho sa mga Pilipino at aktibidad sa ekonomiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa.

Sa pamamagitan ng result-oriented leadership approach, sinabi ng tatlong mambabatas na nakatulong si Speaker Romualdez upang mapahupa ang mataas na presyo ng bilihin na nakakaapekto sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya at sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.

Naalala ni Villafuerte na nagpatawag ng pulong si Speaker Romualdez kasama ang mga oil players upang hanapan ng solusyon ang mataas na presyo ng produktong petrolyo at pinangunahan ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga warehouse bilang tulong sa ginagawa ng gobyerno na paghahanap sa mga hoarder at profiteer na responsable sa pagtaas ng presyo ng bigas at iba pang bilihin.

Ayon kay Villafuerte gumawa rin ng hakbang ang pamunuan ni Speaker Romualdez upang maproteksyunan ang teritoryo ng bansa gaya ng pagpapabilis sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at paglipat ng confidential fund sa ilalim ng panukalang 2024 national budget sa Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at iba pang ahensya na siyang humaharap sa pangangailangan sa West Philippine Sea (WPS).

Ang NUP, na pinamumunuan ni Villafuerte at isa sa pinakamalaking partido sa Kamara sunod sa Lakas-Christian Muslim Democrats ay kabilang sa mga partido na sumuporta sa paglilipat ng confidential funds mula sa mga civilian agency patungo sa mga security agency.

Sa ikalawang LEDAC meeting noong Hulyo 5, napagkasunduan na aprubahan ang 20 panukala bago ang Disyembre 31, 2023.

Naaprubahan naman ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang lahat ng 20 panukala noong Setyembre o tatlong buwan bago ang itinakdang deadline.

Si Villafuerte ang co-author ng siyam sa 20 panukala. Ito ang House Bill (HB) 6522 na lumilikha sa Philippine Centers for Disease Prevention and Control Act; HB 6518 na nagtatayo ng Health Auxiliary Reinforcement Team (Heart) Act; HB 6452 na magtatayo ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines (VIP); HB 6687 na nagbabalik sa National Citizens Service Program; HB 7327 o ang E Governance; HB 7325 o ang Magna Carta of Filipino Seafarers; HB 7240 na magpapatupad ng rightsizing sa gobyerno; HB 8969 o ang Military and Other Uniformed Personnel (MUP) Pension Act; at HB 8278 na bubuhay sa Philippine salt industry.

Dahil sa epektibong pamumuno ni Speaker Romualdez, sinabi ni Villafuerte na ang dating tinutuligsang Kamara ay nakakuha ng mataas na public approval at isa na sa top performer sa gobyerno.

Ayon kay Villafuerte mahigit kalahati ng mga Pilipino (54 porsyento) ang aprub sa ginagawa ng Kamara batay sa third-quarter Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia.