Acorda

PNP naka-full alert simula Sabado

Neil Louis Tayo Oct 27, 2023
184 Views

SIMULA sa Sabado ay naka-full alert na ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng isasagawang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes, Oktobre 30.

Ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ipapakalat ng PNP ang 187,600 tauhan nito sa iba’t ibang panig ng bansa upang magpanarili ng kaayusan.

Sinabi ni Acorda na kung kinakailangan ay maaaring mas maagang ipakalat ng mga regional commander ang kanilang mga tauhan.

Patuloy naman umano ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng mga kaso na pinaniniwalaang konektado sa BSKE.