Calendar
Tao sa brgy sa Hermosa binigyan ng bigas, canned goods
HERMOSA, Bataan–Nag-donate noong Sabado ang Liansheng Manufacturing Corp., isang kompanyang Taiwanese, ng sako-sakong bigas at canned goods sa mga residente na naapektuhan ng pagbaha sa Brgy. Balsik ng bayang ito.
Pinasalamatan ng Hermoseños sa pangunguna ni Mayor Ann Inton ang Taiwanese firm sa kabutihang loob nito.
Ang distribution na ginanap sa basketball court sa Brgy. Balsik at personal na pinangunahan ni Mayor Inton, Allan Tan at anak na si Shieryll Tan.
Umabot sa 3,300 katao ang nabigyan ng ayuda.
Ang Brgy. Balsik ang isa sa mga binaha matapos ang sunud-sunod na pag ulan.
Sinabi ni Shieryll Tan na ang mga bigas at canned goods ay tulong ng kanilang kompanya sa mga flood-affected na residente.
Matapos ang distribution, sina Mayor Inton at Mr. Tan ay nagtungo sa Hermosa PNP station at nag-donate din ng mga bigas at canned goods sa mga police.
Nagpasalamat din si Major Kenneth Longan, hepe ng Hermosa PNP, kina Mayor Inton at Mr. Tan.

