Bill

Gatchalian itinutulak mga hakbang  para mapababa ang singil sa kuryente

134 Views

NANAWAGAN si Senate President Sherwin Gatchalian ng mga hakbang upang mapababa ang singil sa kuryente, na aniya’y magbibigay ng ginhawa sa mga pamilya at maliliit na negosyo at makatutulong sa aktibidad ng ekonomiya.

“If we want to revitalize our economy and give real financial relief to Filipino families and small businesses, we need to bring down the cost of electricity,” ani Gatchalian.

Sinabi niya na ang generation at system loss charges ay pass-through costs na ipinapasa sa mga konsumer sa kanilang bayarin sa kuryente at kailangang maging malinaw at may sapat na batayan.

Binanggit din ni Gatchalian ang 2.3% paglago ng gross domestic product ng bansa noong ikalawang quarter kasabay ng kanyang panawagang mapababa ang singil sa kuryente.

“The country’s reliance on imported oil exposes Filipinos to higher global energy prices that drive up fuel and electricity costs,” dagdag niya.

Inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 2350 na naglalayong ipagbawal sa mga distribution utility ang pagpapataw ng system loss charges sa mga konsumer at alisin ang value-added tax sa benta ng kuryente.

Inihain din niya ang Senate Resolution No. 581 na humihiling ng pagsisiyasat sa tinukoy niyang kawalan ng regular na fuel cost audits sa gitna ng tumataas na generation charges.