Robes

Panawagan ng kongresista sa DOTr, LTFRB: Ipalabas agad P5 bilyong fuel subsidy sa PUV drivers

Mar Rodriguez Mar 16, 2022
283 Views

NANANAWAGAN ang isang kongresista sa Department of Transportation and Railways (DoTR) kabilang na ang Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipalabas na agad ang P5 bilyong alokasyon para sa “fuel subsidy” na nakalaan para sa lahat ng drayber ng Public Utility Vehicles (PUV).

Nakapaloob ang panawagan ni San Jose del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes sa House Resolution (2515) na inihain nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na humihikayat sa DoTR at LTFRB na ipalabas na sa lalong madaling panahon ang nabanggit na alokasyon.

Ito ay bunsod nang sunod-sunod na pagsirit sa presyo ng gasolina at krudo kasunod ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Kung sa kasalukuyan ay pumalo na ito sa 59.00 hanggang P62.00 kada litro.

Ipinaliwanag ni Robes na sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act (GAA) mayroon aniyang nakalaan na P5 bilyon fuel subsidy para sa lahat ng drayber ng PUV. Sakaling pumalo sa US$80 ang presyo ng langis kada bariles sa buong mundo o “world oil prices”.

“The General Appropriation Act of 2022 provides for at least P5 billion in automatic fuel subsidy whenever world oil prices breaches to US$80 per barrel. As of press time, the price of crude oil has ballooned to more than $120 per barrel prompting another round of increase last Tuesday (March 15) in the local market,” ayon sa mambabatas.

Sinabi din ni Robes na ang unti-unting lumolobong presyo ng gasolina ang lalo umanong nagpapahirap sa kalagayan ng mga tsuper ng PUV na ang ilan ay hindi pa nakaka-ahon mula sa COVID-19 Pandemic matapos kapitan ng nasabing sakit ang ilan sa kanila.

“The DoTR and the LTFRB are tasked to issue the fuel subsidies. However, it is taking it sometime to release the assistance supposedly due to certain requirements needed from the drivers,” dagdag pa nito.