Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Abalos

Panawagan para sa courtesy resignation ng PNP execs sinuportahan

Mar Rodriguez Jan 5, 2023
221 Views

MAIGTING na sinusuportahan ng isang kongresista ang panawagan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos para sa “courtesy resignation” ng lahat ng mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) bilang paglilinis sa hanay ng kapulisan laban sa impluwensiya ng sindikato ng illegal na droga.

Bilang Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, sinabi ni Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace S. Barbers na buong-buo ang kaniyang suporta kaugnay sa naging pahayag ni Abalos na pinagbibitiw ang lahat ng mataas na opisyal ng PNP para malinis ang hanay nito laban sa impluwensiya ng sindikato ng ipinagbabawal na gamot.

Binigyang diin ni Barbers na nararapat lamang na malinis ang bakuran ng PNP at ang hanay nito na maaaring naiimpluwensiyahan ng malalaking sindikato ng illegal na droga. Kung saan, hindi maikakailang may ilang kapulisan ang sangkot sa illegal drug trade.

“As Chairman of the House Committee on Dangerous Drugs, I am in full support of DILG Secretary Abalos’ call to cleanse the ranks of senior police officers who have been “infected” or involved in the illegal drug trade. This is part of the government campaign against illegal drugs,” ayon kay Barbers.

Gayunman, sinabi pa ni Barbers na bagama’t wala pa naman talagang konkretong ebidensiya na magpapatunay na sangkot nga sa illegal na droga ang mga senior police officers ng PNP. Subalit malakas naman aniya ang mga alingasngas at isang “open secret” ang umano’y pagkakasangkot ng ilang kapulisan sa illegal trade.

Sinabi naman ni Palawan 3rd Dist. Cong. Edward S. Hagedorn na alinsunod sa naging panawagan ni Abalos, kinakailangan na lalo pang pagtibayin ang mga umiiral na batas patungkol sa pagpapataw ng parusa laban sa mga “men in uniform” na nakikipagsabwatan sa mga criminal elements.

Ipinaliwanag ni Hagedorn na mahalagang maipakita ng pamahalaan ang kamay na bakal at pangil nito laban sa sinomang miyembro ng PNP na nagkakanlong at nagsisilbing protektor ng illegal na droga. Sapagkat nakakasira aniya ito sa imahe ng kapulisan.

Ayon sa kongresista, maaaring iilan lamang ang mga pulis na sinasabing sangkot sa illegal na droga subalit napaka-importante parin ang naging panawagan ni Abalos upang tuluyang malinis ang hanay ng PNP laban sa impluwensiya ng sindikato ng illegal drugs.

“Maaaring hindi naman lahat ng mga pulis ay involved sa illegal drugs, in fairness may mga matitinong pulis din naman na dedicated sa kanilang tungkulin bilang mga alagad ng batas. Pero mahalaga parin ang naging panawagan ni Sec. Abalos para talagang malinis ang PNP laban sa mga tinatawag na bad eggs sa PNP,” paliwanag ni Hagedorn.