Diokno

Build Better More lalakas sa pagbisita ni PBBM sa China

155 Views

INAASAHAN ang paglakas ng “Build Better More” infrastructure agenda ng gobyerno sa pagpunta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China, ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

“Part of this, we will be signing more than a dozen of agreements and loans so that we expect our ‘Build Better More’ to be accelerated. And also other areas like agriculture will be a big part of this mission,” sabi ni Diokno na kasama ng Pangulo sa Beijing.

Target ng administrasyong Marcos na makapagpatayo ng maraming imprastraktura na kailangan sa pag-unlad ng bansa kasama na dito ang Farm-to-Market Road (FMR) Network na makatutulong sa pagpapataas ng suplay ng pagkain.

“This very short trip will promise to be a very successful one,” sabi pa ni Diokno.

Bukod kay Chinese President Xi Jinping, nakausap ng Pangulo ang iba pang opisyal ng China gaya ni National People’s Congress chairman Li Zhanshu.