Calendar
PANDAIGDIGANG ARAW NG KABABAIHAN GINUNITA NG PCG SA NEW YORK


BILANG paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan o International Women’s Day, muling pinagtibay ng Philippine Consulate General sa New York ang commitment nito ang pantay-pantay ng kasarian at pagbibigay-kapangyarihan ng mga Filipina sa buong mundo.
Ito ay ginabayan ng pambansang tema, “Lead like the Babaylans, Filipinas!”
Nagsuot ng kulay purple ang mga tauhan ng Konsulado bilang simbolo ng kanilang suporta sa pamumuno at empowerment ng kababaihan.
Upang markahan ang isang buwang pagdiriwang na ito, ang Konsulado ay naglunsad ng ilang mga hakbangin, kabilang ang gender-fair language training at Bawal Bastos Act training, isang forum sa vision ni Rizal para sa empowered Filipina, at isang dedikadong Saturday Consular Service sa March 28, 2026.
Ang Konsulado ay patuloy na nagsusumikap sa isang inclusive na kapaligiran at naghahatid ng mahusay, gender-responsive na serbisyo sa komunidad ng mga Filipino.

