OFW

Pang-aabuso sa mga Pilipino fisherfolks sa Namibia, Southern Africa nais paimbestigahan ng OFW Party List Group

Mar Rodriguez Jun 30, 2023
179 Views

OFW1OFW2HINIHILING ng OFW Party List Group na magkaroon ng malalim na imbestigasyon hinggil sa walang humpay na pang-aabusong nararanasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) patungkol sa naging karanasan ng anim na mangingisdang Pilipino na nagta-trabaho sa Namibia, Southern Africa.

Kaugnay nito, nabatid ng People’s Taliba kay OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na pinangasiwaan mismo ng kanilang grupo ang “repatriation” ng anim na OFWs sa Namibia, Southern Africa na namasukan dito bilang mga fisherfolks o mangingisda na nakaranas ng mga pang-aabuso.

Sinabi ni Magsino na dahil sa matinding pang-aabuso at iba pang uri ng pagmamalabis na narararanasan ng anim na OFWs mula sa kanilang employer. Agad silang nakipag-ugnayan at nakipag-tulungan sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA) upang agarang maibalik sa Pilipinas ang mga nasabing Migrant workers.

Ayon kay Magsino, puspusan ang ginawa nilang pagta-trabaho para agad na makabalik ng bansa ang anim na OFWs sa tulong narin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Embassy sa Pretoria, ang Capital ng South Africa kung saan nakabalik ang OFWs noong June 22, 2023.

Ikinuwento ni Magsino na nakipag-ugnayan sa kanila (OFW Party List Group) ang anim na fisherfolks sa pamamagitan ng kaniyang palatuntunan sa radyo na humihingi umano ng tulong na makabalik sila ng Pilipinas sanhi natrin ng iba’t-ibang labor violations na nararanasan nila sa kamay ng kanilang employer.

Batay sa paglalahad ng anim na OFWs, pumirma sila ng 1-year contract subalit hindi umano nasunod ang nasabing kontrata. Sapagkat halos isang taon at anim na buwan na silang nananatili sa kanilang employer. Bukod dito, iniipit din ang kanilang amo ang kanilang mga sahod.

Sinabi pa ng OFW Lady solon na ang kuwento sa anim na OFWs ay kabilang sa iba pang mga kaso ng pang-aabuso na nangyayari sa Namibia, South Africa na nararanasan ng mga OFWs. Kabilang na dito ang hindi pagpapasahod at kung minsan ay kulang ang kanilang sinu-suweldo batay sa kontrata.

“The recently repatriated fisherfolks add to the growing number of distressed OFWs who have been repatriated from Namibia. The OFW Party List received complaints early this year from 35 fisherfolks on similar abuses such as non-payment or underpayment of wages,” Ayon kay Magsino.

Samantala, inihayag naman ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA Region 3 Regional Director Atty. Falconi “Ace” V. Millar na naging matagumpay ang paglulunsad nila ng “Migrant’s Brew Coffee (MBC) na isinisilbi nila ng libre para sa mga OFWs na nagtutungo sa kanilang opisina.