Calendar
Pangandaman naisumite na kay PBBM ang 2025 NEP
NAISUMITE na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kopya ng panukalang 2025 National Expenditure Program (NEP).
Isinumite ni Pangandaman ang kopya ng budget sa Palasyo ng Malakanyang.
Nasa P6.35 trilyon ang nakapaloob sa proposed budget para sa susunod na taon.
Mas mataas ito ng 10 porsyento kumpara sa kasalukuyang budget na nasa P5.768 trilyon.
Katumbas naman ito ng 22 porsyento ng gross domestic product ng bansa.
Sa State of the Nation Address ni Pangulong Marcos, sinabi nitong buong ingat na binuo ang 2025 budget at inaasahang ang lahat ng ahensya ay titiyaking gagastusin ng wasto ang kanilang pondo.
Edukasyon ang nananatiling top priority sa alokasyon na aabot sa P977.6 bilyon sinundan ng Department of Public Works and Highways na nasa P900 bilyon.