Pangarap na P20 kada kilo ng bigas hindi binibitawan ni PBBM

222 Views

KUMPIYANSA pa rin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bababa ang presyo ng bigas sa tulong ng “Kadiwa ng Pasko” project ngayong kapaskuhan.

Sinabi ni Marcos na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang maabot ang pangarap na maibaba sa P20 ang presyo ng kada kilo ng bigas.

“The P20 was really the goal, the dream is paabutin natin ng 20 pesos. We are trying to do… we are continuing with the transfer payments that we have begun with. We are going to widen the scope of the Kadiwa,” sabi ng Pangulo.

Inilungsad ng gobyerno ang Kadiwa kung saan makabibili ang publiko ng mas murang produkto mula sa mga magsasaka at mangingisda.

“The Kadiwa was always conducted sa LGU at ang LGU level, individually. Ngayon, ginawa na naming national program. Sinama na natin lahat-lahat nung mga Kadiwa. I’m hoping that we can – we will see some adjustment in prices for Christmas and it looks like baka naman swertehin tayo,” dagdag pa ng Pangulo.