BBM Ang 5th National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Committee Meeting na ginanap Huwebes, April 4, 2024, sa Heroes Hall, Malacanang Palace.

Pangulong Marcos inatasan ang NTF-ELCAC na ipatupad gov’t amnesty program

Chona Yu Apr 4, 2024
145 Views

BBM1INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na agad ipatupad ang amnesty program ng gobyerno para sa natitirang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na nasa 1,500 na nagbalik loob na rebelde na ang sumasailalim sa ebalwasyon para sa amnestiya.

“The President has directed the immediate implementation of the amnesty program to the remaining members of the CPP-NPA-NDF since Congress has already concurred with the proclamation,” pahayag ni Año.

Bibigyan aniya ng amnestiya ang mga rebelde matapos pumayag ang Kongreso maging si Vice President Sara Duterte na dati ay tutol sa plano.

Nauna nang inaprubahan ng inadopt ng Senado ang House Concurrent Resolution (HCR) No. 20 na nagbibigay ng amnestiya sa mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDFA.

Hindi aniya kasama sa amnestiya ang mga nasa bundok pa at patuloy na nakikibaka laban sa gobyerno.