Valeriano

Panibagong insidente ng pang-uurot ng CCG sa mga tropa ng Phil. Navy kinondena ni Valeriano

Mar Rodriguez Jun 20, 2024
93 Views

𝗠𝗔𝗥𝗜𝗜𝗡𝗚 𝗸𝗶𝗻𝗼𝗻𝗱𝗶𝗻𝗮 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗲 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴-𝘂𝘂𝗿𝗼𝘁 𝗼 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗯𝘂-𝗯𝘂𝗹𝗹𝘆 𝗻𝗮 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗿𝗼𝗽𝗮 𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗶𝗻𝗲𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗮𝘀𝘁 𝗚𝘂𝗮𝗿𝗱 (𝗖𝗖𝗚) 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗡𝗮𝘃𝘆 (𝗣𝗡) 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝘀𝗮 𝗔𝘆𝘂𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗦𝗵𝗼𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗿𝗶𝘁𝗼𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀.

Nananawagan si Valeriano sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging kalma lamang sa gitna ng walang humpay na panggigipit o harassment na ginagawa ng China sa mga sundalong Pilipino.

Naniniwala ang mambabatas na ang pinaka-epektibo pa ring solusyon sa panibagong pangbu-bully ng China ay ang pagiging mahinahon o daanin sa diplomasya.

Ikinalulungkot din ni Valeriano na sa kabila ng mga panawagan at paghahain ng “diplomatic protest” laban sa China bunsod ng walang puknat na pang-uurot nito sa mga Pilipino, mistulang hindi napapakinggan at hindi nirerespeto ang mga isinusulong na hakbang nv Pilipinas laban sa China.

Binigyang diin ng kongresista na kung tutuusin ay nasa loob na ng teritoryo ng Pilipinas ang mga umatakeng CCG kung saan, magdadala sana ng supply ang mga tauhan ng PN sa mga sundalo na naka-destino aa BRP Sierra Madre na nakahimpil sa Ayungin Shoal.