LEDAC

Panukala ni Momo ukol sa patatatag ng Dept. of Water Resources inilatag na sa LEDAC

Mar Rodriguez Dec 20, 2025
202 Views

LEDAC1LEDAC2π—œπ—‘π—œπ—›π—”π—¬π—”π—š ng Chairman ng House Committee on Public Works na si Surigao del Sur 1st District Representative Romeo S. Momo, Sr. na inilatag na sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang “priority bill” ng Kamara de Representantes, ito ay ang pagtatatag ng Department of Water Resources and Water Regulatory Commission.

Ang House Bill No. 6789 ay inakda at isinulong ni Momo na naglalayong magkaroon ng accountability ang water management sa ating bansa kasunod nito ang pagiging moderno at maayos ang pamamahala sa water system lalo na sa mga liblib na lugar sa Pilipinas.

Sinabi ni Momo na isa rin sa pangunahing layunin ng House Bill No. 6789 ay ang pagsasa-ayos ng water management sa gitna ng samu’t-saring reklamo sa mga private concessionaire kagaya ng mataas na singil sa water bill ng kanilang mga consumers at ang mahinang kalidad ng management o pamamahala.

Tiniyak ng kongresista na bilang principal author ng naturang panukalang batas, sisikapin nitong maipasa at maisabatas sa Mababang Kapulungan ang House Bill No. 6789 para maibsan na ang malaon ng problema ng napakaraming consumers o kliyente ng malaking water concessionaire sa ating bansa gaya ng palpak na water supply.