Calendar
Dalawang “key infrastructure bills” ni Rep. Momo makakatulong para sa pag-unlad ng bansa
ππππ‘πππ§ ni Surigao del Sur 1st District Representative Romeo S. Momo, Sr. na ang pagkakapasa ng dalawang panukalang batas nito sa Kamara de Representantes na tinawag niyang “key infrastructure bills” ay napakalaki ang maitutulong para sa mga mahihirap na sektor at magsusulong ng pag-unlad sa ating bansa.
Sinabi ni Momo, Chairman ng House Committee on Public Works, na ang pagkakapasa ng inakda nitong House Bill No. 6615 at House Bill No. 6789 na dalawang priority legislation ay naglalayong matulungan ang Marcos, Jr. administration na maisulong ang pagbabago at pag-unlad ng bansa sa mga darating na panahon.
“The passage of these bill in the second ang third reading reflects not only months of bipartisan work and thoughtful collaboration among our colleagues, but they also show the commitment of this administration to pursue legislative measures that will best serve Filipinos,” sabi ni Momo.
Nabatid sa kongresista na layunin ng House Bill No. 6651 na amiyendahan ang National Building Code of the Philippines kung saan ito ay inaprubahan sa Kamara sa ikalawang pagbasa. Habang ang House Bill No. 6789 na nagtatatag ng Department of Water Resources ay inaprubahan at pumasa sa ikawalang pagbasa noong nakaraang Lunes (Disyembre 9).
“These measures are a step forward to progress amd will ensure that critical agencies have the tools, oversight amd support they need to address some of the public’s most pressing needs effectively,” dagdag pa nito.
Ayon kay Momo, matagal na umano nitong itinutulak para maging ganap na batas ang Philippine Building Act matapos ang pamumuksa at pagyanig ng Magnitude 6.9 na lindol sa northeastern part ng Cebu na nagtulak naman sa mga kapwa nito kongresista para agad na ma-amiyendahan ang New Building Code.

