Oducado

Panukala sa pagpapalakas ng maliit na negosyo inihain sa Kongreso

Mar Rodriguez Apr 7, 2026
85 Views

INIHAIN ni 1-Tahanan Party List Rep. Nathaniel Oducado ang panukalang batas para palakasin ang maliliit na negosyo.

“Many Filipinos are still poor not because they do not work hard but because they lack their fair chances to earn and grow. We need to empower small businesses and cooperatives to help create jobs in their communities,” sabi ni Oducado.

Isinulong niya ang House Bill No. 8745 o “Poverty Reduction through Social Entrepreneurship Act” na naglalayong lumikha ng programa upang mabigyan ng oportunidad ang mga maliliit at community based na negosyo ng access sa pondo, mga pagsasanay at pamilihan.

Ipinaliwanag ni Oducado na ang social enterprises ay ang mga negosyong naglalayong kumita habang tumutulong sa komunidad tulad ng pagbibigay ng trabaho sa mahihirap, pagsuporta sa mga magsasaka, mangingisda at muling paglalaan ng kita sa social services.

Lilikha din ang House Bill No. 8745 ng Social Enterprise Development Council sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) para pangasiwaan at suportahan ang mga programang pangkabuhayan sa buong bansa.

“With millions of Filipinos still struggling. We need practical ways to bring jobs and income closer to communities.

This measure makes sure progress is shared especially with those who have the least sa gitna ng krisis na nararanasan natin ngayon,” wika pa ng mambabatas.