Calendar
Sen. Win tiniyak suporta sa mga batang naapi, naabuso
TINIYAK ni Sen. Sherwin Gatchalian ang suporta para sa mga batang nasa alanganin, children in conflict with the law (CICL) at mga batang naging biktima ng child trafficking at sexual abuse sa pagbisita sa residential care facilities ng Department of Social Welfare and Development sa Muntinlupa.
Sinabi ni Gatchalian na dapat bigyan ng pag-asa at pagkakataong makabangon ang mga batang nakaranas ng pang-aabuso at pagkawala ng tahanan.
Sa ilalim ng 2026 national budget, P24.654 milyon ang nakalaan para sa recovery at reintegration ng mga biktima ng human trafficking, habang P275 milyon ang inilaan para sa pagpapatayo ng lima pang karagdagang Bahay Pag-Asa facilities para sa mga CICL.
Ang Haven for Children ay nagsisilbing tahanan ng mga lalaking street children na edad 7 hanggang 13.
Ang Marillac Hills National Training School for Girls naman ay tahanan ng mga batang babaeng edad 7 hanggang 17 na victim-survivors ng sexual abuse at human trafficking kabilang ang commercial at sexual exploitation.
Nagpamahagi rin si Gatchalian ng food packs sa Haven for Women na tahanan ng mga nakatatandang babae at kanilang mga dependent na victim-survivors ng gender-based violence.

