Calendar
Panukalang batas na magbibigay proteksiyon sa mga freelancer isinulong ni Rep. Oducado
NAIS ni 1-TAHANAN Party List Rep. Nathaniel “Atty. Nat” M. Oducado na maproteksiyunan ang mga “freelancer o Pilipinong self-employed” laban sa hindi pagbabayad, hindi patas na kontrata at iba pang uri ng pang-aabuso.
Ito ang nakapaloob sa House Bill No. 8785 na inihain ni Oducado sa Kamara de Representantes dahil para kaniya. Kulang parin ang mga legal na proteksiyon ng mga freelancer sa buong bansa kahit lumalaki ang kanilang papel sa ekonomiya ng bansa.
Sa panayam ng People’s Taliba, sinabi ng kongresista na napakaraming freelancer ang hindi nababayaran, kulang sa bayad habang ang iba naman ay napipilitang pumasok sa mga hindi patas na kasunduan at wala din silang malapitan sakaling magkaroon ng problema.
“Too many freelancers are left unpaid, underpaid or forced into unfair terms and they have nowhere to turn when things go wrong. Kaya para silang inilaglag sa ganitong sistema,” sabi ni Oducado.
Sa ilalim ng panukalang batas, ipinaliwanag pa ng Party List solon na ang mga freelance worker ay ang sinomang self-employed na indibiduwal o single-person entity na kinuha upang magbigay ng serbisyo bilang independent contractor.
Ayon kay Oducado, sila ang mga nagta-trabaho gamit ang kanilang sariling pamamaraan at hindi kontrolado ng kumukuha sa kanila maliban sa inaasahang trabaho.
Ang House Bill No. 8785, sabi pa ni Oducado na pinamagatang “Freelancer Workers Protection Act” ay nagtatakda ng obligadong nakasulat na kontrata, nangangailangan ng hindi bababa sa 30% down payment, nagbibigay ng night shift differential at hazard pay.
Ipinaliwanag din ng mambabatas na kasama na dito ang pagpapataw ng multa na hanggang P5,000 laban sa late payment, manipulasyon ng kontrata at pananakot.
Pagbibigay diin pa ni Oducado na sa kasalukuyan ay pupuwedeng balewalain, kaltasan ng bayad at basta palitan ang freelancer ng walang pananagutan kung saan marami sa mga kumukuha ang umaabuso sa kakulangang ito sa batas.
“Right now, freelancers can be ignored, shortchanged or replaced without consequence and many hiring parties abuse this gap in law. The bill also allows freelancers to file complaint with the Department of Labor and Employment (DOLE) for faster dispute resolution and grant tax relief and dedicated assistance desk in BIR offices,” paliwanag pa ni Oducado.

