Martin

Panukalang batas na nagtatatag ng “specialty center” sa mga ospital na pinapatakbo ng DOH aprubado na sa Kamara

Mar Rodriguez May 8, 2023
201 Views

PINAGTIBAY ngayong araw ng Kamara de Representantes ang isa sa mga “priority legislation” nito matapos bumoto ang 256 na mga kongresista pabor sa House Bill No. 7751 o ang panukalang batas na naglalayong magtayo ng mga “specialty centers” sa mga ospital na pinapatakbo ng Department of Health (DOH).

Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez, principal author ng House Bill No. 7751 o ang Department of Health Specialty Centers, gagawing prayoridad ng DOH ang pagtatatag ng mga specialty centers katulad ng “cancer care, brain and sphines care, renal care at kidney transplant, trauma care, infectious disease at tropical medicine, mental health geriatric care.

Ayon kay Speaker Romualdez, hindi na kailangan pang lumuwas ng Maynila at magpunta sa Quezon City ang mga pasyente mula sa rehiyon ng Visayas at Mindanao para lamang magpagamot batay sa kanilang karamdaman. Sapagkat mismong sa kanilang lalawigan ay magkakaroon na ng specialty center.

Kabilang sa mga ospital na binabanggit ng mambabatas ay ang Philippine Heart Center (PHC), National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Lung Center of the Philippines at Philippine Children’s Medical Center (PCMC). Kasama na dito ang East Avenue Medical Center.

“We have specialty hospitals built during the time of the father of President Ferdinand “Bongbong R. Marcos, Jr., President Ferdinand Marcos, Sr. but all of these are in Quezon City. So our people in the regions and in Visayas and Mindanao who need the services of these health facilities will have to travel all the way to Quezon City to avail of their services,” paliwanag ng House Speaker.

Idinagdag din ni Speaker Romualdez na ang mga specialty center ay itatayo sa mga Level 3, APEX o en-referral hospitals na pinangangasiwaan ng DOH.

“So we need more specialty centers not necessarily rising to the level of a hospital. like those in Quezon City to treat and care for our people requiring specialized health care in the provinces,” ayon pa kay Speaker Romualdez.