Frasco

Panukalang batas ni Frasco para sa abot kayang funeral service pasado sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara

Mar Rodriguez Aug 2, 2024
96 Views

Frasco1𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗚𝗔𝗟𝗔𝗞 𝗻𝗴 “𝗽𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗮𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿” 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗕𝗶𝗹𝗹 𝗡𝗼. 𝟭𝟬𝟮 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗖𝗲𝗯𝘂 𝟱𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗼 “𝗗𝘂𝗸𝗲” 𝗗. 𝗙𝗿𝗮𝘀𝗰𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀 𝘀𝗮 𝗶𝗸𝗮𝘁𝗹𝗼 𝗮𝘁 𝗵𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝘂𝗸𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗮𝗯𝗼𝘁 𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 “𝗳𝘂𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝘀𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲” 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗲𝗻𝘁 𝗼 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼.

Ipinabatid ng House Deputy Speaker na inaprubahan na ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang inakda nitong House Bill No. 102 o An Act Providing for Funeral Service to Indigents upang magkaroon ng abot kayang funeral service para sa mga mahihirap na pamilya.

Ayon kay Frasco, hindi na bago ang mga kuwento tungkol sa isang pamilya na nahaharap sa matinding problema kung papaano nito maibuburol at maipapalibing ng maayos ang kaniyang yumaong mahal sa buhay bunsod ng kinakaharap nitong financial crisis.

Paliwanag pa ni Frasco na minsan ay napipilitang magbenta o magsanla ng gamit ang isang mahirap na pamilya para lamang sa maayos na burol at pagpalibing ng kanilang yumaong kaanak. Ang iba naman ay nababaon sa utang sa puneraryang nagbigay sa kanila ng funeral service.

Dagdag pa ni Frasco, may mga pagkakataon din na walang kakayahan ang isang pamilya para magkaroon ng maayos na kabaong, burol at pagpapalibing para sa kanilang namayapang mahal sa buhay dala ng napakamahal o masyadong napakataas na presyo ng funeral service na sinisingil ng isang punerarya.

Dahil dito, sa pamamagitan ng kaniyang panukalang batas, ipinaliwanag ng kongresista na kailangan ng magbigay ng abot kaya o affordable funeral service ang mga punerarya lalo na para sa mga mahihirap na pamilya para sa kanilang namayapang mahal sa buhay.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Frasco, ang maximum na halaga na maaaring maibigay sa isang mahirap o indigent na pamilya para sa kanilang yumaong mahal sa buhay ay P20,000 kabilang na dito ang mortuary service, kabaong at iba pang mga pangangailangan.