Romero

Panukalang batas para sa modernisasyon ng PAOCC isinulong ni Romero

Mar Rodriguez Jul 31, 2024
90 Views

Romero1𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗺𝗮𝘀 𝗹𝗮𝗹𝗼 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗶𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗻𝗴𝘆𝗿𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁𝗶𝗮𝗹 𝗔𝗻𝘁𝗶-𝗢𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘇𝗲𝗱 𝗖𝗿𝗶𝗺𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 (𝗣𝗔𝗢𝗖𝗖) 𝗸𝗮𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝘁𝘂𝗴𝗶𝘀𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗹𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗢𝗳𝗳𝘀𝗵𝗼𝗿𝗲 𝗚𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿𝘀 (𝗣𝗢𝗚𝗢) 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 i𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝘂𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘁𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗶𝗻𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗞𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗼𝗱𝗲𝗿𝗻𝗶𝘀𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗵𝗲𝗻𝘀𝗶𝘆𝗮.

Ito ay matapos ang naging anunsiyo ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) patungkol sa total ban ng POGO sa Pilipinas.

Isinulong naman ni 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, ang House Bill No. 10527 sa Kamara de Representantes o ang PAOCC Modernization Act of 2024.

Paliwanag ni Romero, layunin ng kaniyang panukalang batas na makapagbigay ng “strong wholistic approach” sa pamamagitan ng strategic collaboration upang mas epektibong magampanan ng PAOCC ang kanilang tungkuling tugisin ang mga POGO operations sa bansa.

Ayon kay Romero, nakapaloob sa kaniyang panukalang batas ang pagkakaloob ng modernization funding para sa PAOCC kung saan, hindi lang naman POGO ang tututukan ng ahensiya kundi ang pagsawata rin sa iba’t-ibang kriminalidad kabilang na ang korapsiyon sa pamahalaan.

Ipinabatid pa ng kongresista na kabilang sa modernization program ng PAOCC ay ang pagkakaroon ng karagdagang manpower mga tauhan at modern equipment o mga kagamitan.

Sabi pa ni Romero, nasa P2 billion halaga ng pondo ang kaniyang iminumungkahi para isinusulong nitong programang modernisasyon ng PAOCC.

“This is clear that POGO is a national security threat to our nation,” wika ni Romero.