Cacdac

Panukalang batas para sa reintegration ng mga balik-PH na OFWs isinulong

Mar Rodriguez Dec 7, 2024
186 Views

MagsinoMagsino1BINIGYANG DIIN ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang malakas at komprehensibong programa para sa mga bumabalik o balik-Pilipinas na mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ito ang nilalaman ng House Bill No. 1130 na isinulong ni Magsino sa Kamara de Representantes bunsod ng kaniyang adbokasiya upang magkaroon ng isang komprehensibo at “integrated approach” para matiyak na magkakaroon ng reintegration ang mga balik-bayang OFWs.

Nauna nang inihain ng OFW Party List Lady solon ang House Resolution No. 2056 na ang pangunahing lagunin ay magkaroon ng masusing imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ang implementasyon ng pamahalaan hinggil sa reintegration programs sa pangunguna ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iba pang government institutions.

Dahil dito, pagdidiin ni Magsino ang kahalagahan ang pagkakaroon ng evaluation at pagrepaso sa pagiging epektibo at komprehensibo ng naturang programa upang agad na matugunan ang iba’t-ibang pangangailangan ng mga bumabalik na OFWs.

Sabi ni Magsino na mayroon naman mga OFWs ang pinalad sa kanilang pangingibang bansa at nakapag-pundar para sa kanilang pamilya. Subalit mayroon din naman aniya ang hindi kasing-suwerte nila kung saan ilan sa mga OFWs na ito ang naging biktima ng pang-aabuso ng kanilang amo, illegal recruitment at iba pang masasaklap na karanasan sa ibayong dagat.

“This is why in the entire labor integration cycle. The smooth and sustainable reintegration to society of returning OFW,” ayon kay Magsino.

Ayon pa sa kaniya, sa kasamaang palad ay napipilitang umuwi ng Pilipinas ang mga nasabing OFWs na walang-wala o walang naipong pera habang ang iba naman ay mayroong naiwang malaking pagkakautang sa bansang pinagmulan nila.

“Mayroon sa mga OFWs ang mapalad na nakapagpundar para sa kanilang mga pamilya at naging komportable ang pamumuhay pag-uwi sa bansa. Subalit marami rin ang mga nabigo, mga naging biktima ng mga pang-aabuso ng kanilang amo, ilan sa kanila ang naging biktima ng illegal recruitment, human trafficking, mababang pasahod at samu’t-saring problema,” sabi nito