Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Barbers

Panukalang death penalty sa mga sangkot sa drug trafficking, muling binuhay sa Kamara

Mar Rodriguez Oct 5, 2023
174 Views

MULING isinusulong sa Kamara de Representantes ang panukala na patawan ng parusang kamatayan ang mga sangkot sa drug trafficking.

Ito ay matapos masabat ang tinatayang P3.6 billion pesos na halaga ng shabu sa Pampanga kamakailan.

Naniniwala si Surigao del Norte Cong. Robert Ace S. Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, Death Penalty ang solusyon para matigil ang pagpupuslit ng iligal na droga.

Ayon kay Barbers, baka pwedeng muling pag-aralan at talakayin ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa lalo na ang mga sangkot drug trafficking.

Sabi ni Barbers, kung may parusang kamatayan sa Pilipinas, magdadalawang isip ang mga sindikato na magpuslit ng iligal na droga sa bansa.

Kailangan din anya na ireporma ang law enforcement units ng bansa at kung kinakailangan ay isalang sa “morality seminar” ang mga ito para maintindihan ang kahalagahan ng kanilang trabaho.

Una rito, pinaiimbestigahan na sa Kamara ang dalawang magkasunod na insidente ng pagkaka-kumpiska ng bilyong pisong halaga ng iligal na droga sa lalawigan ng Pampanga.

Nasabat ang 530 kilos ng shabu sa bayan ng Mexico at sinundan ng panibagong insidente nang masamsam ang 200 kilos ng droga sa abandonadong parking lot sa Mabalacat City.