Kotong

Parak, kasamang babae inentrap dahil sa pangongotong

260 Views

Kotong1NASAKOTE noong Biyernes ang isang pulis at kasamang babae nito sa police entrapment ns ginanap sa loob ng bahay sa Sampaloc Street, Barangay 167, Llano, Caloocan City.

Kinilala ni PCol. Gerry M. Laylo, hepe ng DID, NPD, ang mga suspek na isang 32-taong gulang na pulis na nakatalaga sa Substation 7, Llano Police, Caloocan City Police Station (CPS), residente ng Blk 25, Lot 11, Orange Street, GHPS 2, Caloocan City, at 52-taong gulang na babae, walang asawa, residente ng #3WWP Road, NHC Village, Caloocan City.

Isang 28-anyos at 30-anyos na babae, kapwa residente ng nabanggit na barangay ang nagsampa ng reklamo laban sa mgs suspek at humingi ng tulong sa mga awtoridad na kaagad na umaksyon .

Ang mga umarestong pulis ay sina PLT Brian Viola, OIC Substation Commander, Llano Police Station, Caloocan CPS; PLT Fernando Apilan III, nakatalaga sa PNP-IMEG, PCpl Karmiko Rodriguez, nakatalaga sa DID, NPD; at PCpl Johanna Marie T. Medroso, ng DMFB-SWAT, NPD.

Ang entrapment operasyon ay isinagawa ng mga operatiba ng DID, NPD na pinangunahan ni PCOL Laylo at 10 iba pa kasama ang DMFB, SWAT team na pinangunahan ni PCapt. Adante, DIDMD (D7) na pinangunahan ni PCAPT Mingo, SubStation 7, Llano Police, Caloocan CPS na pinangunahan ni PLT Viola.

Ang mga suspek ay inaresto sa umano’y robbery-extortion.

Ayon sa imbestigasyon ang kapatid ng mga nagreklamo ay naaresto dahil sa paglabag sa RA 9165, kung saan ang mga tauhan ng SS7, CCPS ay humingi umano ng P25,000 piyansa.

Kinasuhan ang kapatid ng reklamo ng walang inirekomendang piyansa.

Narekober mula sa mga suspek ang apat na piraso na P1,000; 9 MM Taurus, isang magazine, 14 na bala para sa 9 mm, polymer holster, iPhone 14 PRO , at apat na iba’t ibang ID.

Isinagawa ang imbentaryo sa lugar ng pagkakaaresto sa presensya ng Brgy. Kagawad Antonina DP Raguna ng nabanggit na barangay.