Nigerian

Nigerian pinagbabaril, patay; isa pa pinalo sa ulo noong Byernes Santo

Edd Reyes Apr 5, 2026
99 Views

Nigerian1Nigerian2Nigerian3Nigerian4Nigerian5

TODAS ang Nigerian national nang pagbabarilin ng isa sa apat na suspek noong Biyernes Santo ng hapon sa Taguig City.

Isinugod pa ng mga nagrespondeng pulis sa pagamutan ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay sanhi ng mga tama ng bala sa katawan habang nilapatan din ng lunas ang kanyang kababayan na pinalo ng baril sa ulo ng salarin.

Sa ulat ng Taguig City Police, nangyari ang insidente dakong alas-4:12 ng hapon sa DMC Ext. Compound, Brgy. Sta Ana kung saan pinadapa muna ng mga suspek ang dalawang dayuhan bago pingbabaril ang isa sa kanila.

Sa ginawang CCTV backtracking at forward tracking ng pulisya, kaagad naaresto ang dalawa sa apat na suspek noon ding Biyernes ng gabi na napagalamang kapuwa nakulong na rin ng dahil sa ilegal na droga.

Positibong kinilala ng nakaligtas na Nigerian na kasama ng nasawi ang mga naaresto na kabilang sa apat na suspek habang tinutugis pa ang dalawa na direktang may kagagawan sa pagpatay.

Kilala na rin ng pulisya ang nakatakas na gunman at ang isa pa nilang kasama na kapuwa may mga kinakaharap na kasong kriminal at nakulong na dahil sa ilegal na droga..

Kabilang din sa isinasagawang imbestigasyon ay ang pagtuklas sa katauhan ng nasawing dayuhan at kanyang kasama bilang hakbang upang matukoy ang motibo sa pamamaslang.