Droga Ang mga nasamsam na droga, 2 pistola at mga bala sa isang negosyante sa Guimba, Nueva Ecija noong Biyernes ng gabi.

Parak nalambat kelot sa P141,000 na droga, boga

Steve A. Gosuico Mar 15, 2025
19 Views

GUIMBA, Nueva Ecija–Tiklo sa awtoridad ang negosyante na nabuking na may pag-iingat na shabu na nagkakahalaga ng P141,848, marijuana, dalawang hindi lisensyadong baril at ilang bala ng baril nitong Biyernes ng gabi dito.

Nakilala ni Nueva Ecija cop chief P/Col. Ferdinand Germino ang naarestong negosyante na residente ng Purok 2, Brgy. Cabaruan, Guimba.

Ang pagkadakip sa kanya isinagawa batay sa search warrant para sa mga ilegal na baril na inisyu ng Executive Judge ng Guimba Regional Trial Court branch 32.

Nakumpiska sa suspek ang 20.86 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P141,848, 1.31 na gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P160, isang 9mm pistol, isang cal.45 pistol, ilang magazine at bala ng cal. 9mm at cal. 45 at ilang drug paraphernalia.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang naarestong suspek habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ng RA 10591 (Illegal possession of firearms and ammunition) at paglabag sa Omnibus Election Code para sa inquest-filing laban sa kanya.