Parak-QC sinakote 13 suspek sa krimen

237 Views

NADAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District ang 13 suspek sa iba’t-ibang krimen sa ginanap na warrant day.

Ayon kay P/Col. Randy Glenn Silvio, acting director ng QCPD, layon ng operasyon na masigurong ligtas ang publiko habang abala sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Isa sa mga nadakip si alyas Jaybert, 48, na inaresto sa kanyang bahay sa Brgy. Horseshoe, Quezon City dahil may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong robbery.

Nasakote rin si alyas Julie, 46, habang nakakulong sa provincial jail sa Puerto Princesa City dahil sa illegal recruitment at may 19 pang kaso sa ilang lalawigan.

Naaresto rin si alyas Rambo, 24, dahil sa theft at iligal na pag-tap ng cable at internet lines.

Huli naman si alyas Rigor, 43, at Nelson, 50, dahil sa kasong attempted murder.

May tig-iisang suspek na naaresto ang QCPD police stations 1, 4, 5, 8, 9 at 16 at dalawa pa ang nadakip ng District Anti-Carnapping Unit (DACU).

“Patuloy ang aming operasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Quezon City. Malaki ang papel ng publiko sa pagbibigay ng impormasyon,” sabi ni P/Col. Silvio.