RPO

Parak sa Rizal naglunsad ng CASSN

16 Views

INILUNSAD noong Martes sa Smile Taytay Sports Complex sa Taytay, Rizal ang Community Assistance, Safety and Support Network (CASSN) ng Philippine National Police

Ang Rizal Police Provincial Office ang nag-host sa event sa pamumuno ni Police Colonel Felipe Maraggun, Rizal Provincial Director, at Police Colonel Melvin Napiloy, acting deputy Regional Director for Administration.

Ang nasabing programa ay tugon ng PNP sa mga krimen na nakakaapekto sa mga Filipino-Chinese at iba pang dayuhang komunidad sa bansa.

Layunin din nitong palakasin ang tiwala at kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at komunidad sa pamamagitan ng timely police response, proactive protection at community engagement.

Dumalo sa aktibidad ang mga lokal na opisyal, miyembro ng komunidad at iba’t-ibang stakeholders na nagpahayag ng kanilang suporta sa adhikain ng programa.

Dinaluhan ni Police General Nicolas D Torre III, hepe ng PNP, na nirepresenta ni Police Major General Roderick Augustus B. Alba, Director of the Directorate for Police Community Relations (TDPCR), ang programa.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni PMGen Alba ang kahalagahan ng pagtutulungan ng kapulisan at ng komunidad sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaligtasan ng mamamayan.