MPBL Parañaque-Caloocan battle sa MPBL.

Parañaque nakabawi sa Caloocan

Robert Andaya Jun 8, 2024
160 Views

PINUTOL ng Parañaque Patriots ang kanilang two-game losing skid matapos ang 73-69 panalo sa host team Caloocan Batang Kankaloo sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Caloocan Sports Complex.

Nagpakita ng husay si John Uduba sa kanyang double-double na 14 points at 13 rebounds para sa Patriots, na umakyat sa team standings na may 8-4 win-loss record.

Dahil dito, napiling “Best Player of the Game” si Uduba kontra sa kanyang teammate na si Joshua Gallano, nay may 14 points, six rebounds at two assists.

Nagdagdag naman si Keith Pido ng 11 points, five assists at three rebounds para sa Parañaque.

Ang Caloocan, na bumaba sa 6-3 card, ay nakakuha ng tig 12 points mula kina Jeramer Cabanag at Paul Sanga.

Nagpakawala ng walong puntos si Gallano sa 15-point spurt na nagtulak sa Patriots sa 72-56 kalamangan.

Bagamat gumanti sa kanilang 10-point cluster, nabigo na ang Batang Kankaloo na makabawi pa.

The scores:

Parañaque (73)– Gallano 14, Uduba 14, Pido 11, Sarao 9, Olegario 9, Razon 6, Manalang 4, Villanueva 3, Umali 3, Vizcarra 2, Ruaya 2, Elorde 0, Salaveria 0, Loyola 0, Martel 0.
Caloocan (69) – Cabanag 12, Sanga 12, Matias 8, Espinas 7, Cervantes 5, Palencia 4, Bonsubre 4, Lee Yu 4, Calahat 3, Inigo 3, Tayongtong 3, Sumoda 2, Casin 2, Lasco 0, Baracael 0.
Quarterscores: 15-12, 32-33, 54-52, 73-69.