Abra Abra-Sarangani match sa MPBL.

Abra nagpakita ng angas sa Sarangani

Robert Andaya Jun 8, 2024
81 Views

HINDI na pinagtagal ng Abra Weavers ang laban at kaagad winalis ang Sarangani Marlins, 82-60, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Caloocan Sports Complex.

Sa tulong ng troika nina Mark Tallo, John Lloyd Clemente at Michael Canete, kumalas ang Weavers mula sa dikitang 20-18 score sa first quarter at kaagad umabante sa 46-32 sa pagtatapos ng halftime.

Hindi na nakabawi pa dito ang Marlins.

Nanguna si Tallo, na may 15 points, six assists, five steals, four rebounds at two blocks para sa Weavers, na hinugot ang kanilang ika-apat na dikit na panalo at 7-2 record overall.

Sinuportahan si Tallo nina Clemente at Canete na kapwa may tig 14 points.

Tumulong din si Roi Sumang sa kanyang 12 points, seven assists at five rebounds.

Bumagsak ang Sarangani sa 3-9 sa kabila ng 16 points ni Ryan Isaac Sual at 10 points ni Charles Callano.

Ang MPBL ay itinataguyod ni Sen. Manny Pacquiao bilang bahagi ng kanyang grassrootsbasketball development program.

Si PBA legend Kenneth Duremdes ang MPBL commissioner.
The scores:

Abra (82) – Tallo 15, Clemente 14, Canete 14, Sumang 12, Faundo 8, Tolentino 6, Comboy 5, Caperal 4, Fabro 2, Bersamina 2, Chavez 0, Magat 0, Asuncion 0, Pasturan 0, Bringas 0.

Sarangani (60) –Sual 16, Callano 10, Destacamento 7, Alves 6, Kawamura 6, Madayag 4, Juaquin 4, Jumao-as 3, Roque 3, Diputado 1, Gaa 0, Clarino 0, Galang 0, Benedictos 0, Oftana 0.

Quarterscores: 20-18, 46-32, 66-42, 82-60.