BOC

Parcel na naglalaman ng P10M kush naharang ng BOC sa NAIA

59 Views

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang parcel na naglalaman ng P10.01 milyong halaga ng high-grade marijuana, o “kush” noong Oktobre 30, 2024.

Sa isinagawang physical examination nadiskubre ang 7,154 gramo ng kush na itinago sa parcel.

Ang nakumpiskang ipinagbabawal na gamot ay inilipat na sa pangangasiwa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsasagawa ng mas malalim na imbestigasyon upang masampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) ang mga nasa likod nito.

Muling iginiit ni BOC Commissioner Bienvenido Y. Rubio na determinado ang ahensya na pangalagaan ang bansa laban sa mga kontrabadong tinatangkang ipasok.

“We are intensifying our efforts to prevent illegal drugs from infiltrating our borders. Each successful operation demonstrates our determination to protect the Filipino people,” ani Commissioner Rubio.

Ganito rin ang sinabi ni BOC-NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa.“Our team remains vigilant, working with partners to prevent the trafficking of dangerous substances and uphold the safety of our communities.”