PSC Chairman Bachmann. PSC Chairman Bachmann.

Paris-bound athletes tatanggap ng cash incentives

Robert Andaya Jun 5, 2024
160 Views

MAGANDANG balita sa mga Filipino athletes na sasabak sa Paris Olympics.

Inanunsyo ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann na tatanggap ng cash incentives ang mga atleta bago pa man ang kanilang kampanya sa Paris.

“Twenty-three million is only from Senator Risa Hontiveros then Senator Bong Go has a figure already. May additional siya,” pahayag ni Bachmann sa kanyang pagdalo sa Philippine Sportswriters Association Forum (PSA) sa Rizal Memorial Sports Complex.

“There’s also additional from other senators direct to the athletes already na pinasa lang sa PSC and I just signed a cheque siguro mga P30 plus millions,” dagdag pa ni Bachmann sa weekly forum p na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ang 24/7 sports app sa bansa na ArenaPlus

Ayon kay Bachmann, ibibigay ang mga nasabing incentives bago ang Olympics, na nakatakda sa July 26- Aug. 9.

Sa kasalukuyan, kabuuang 15 Filipino athletes ang nakatitiyak na lumahok sa.Paris, bagamat umaasa pa din ai Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino na madadagdagan pa ang listahan.

Sa 2021 Tokyo Games, nakapag-uwi ang Pilipinas ng kauna-unahan nitong gold medal gold medal sa Olympics sa pamamagitan ni weightlifter Hidilyn Diaz, at two silvers at bronze mula sa mga boxers na sina Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Eumir Marcial.

“We have until June 30 to see kung sino pa ang mag-qualify,” dagdag pa ni Bahmann. Ang 15 Filipuno athletes na lalahok sa Paris Olympics ay sina pole vaulter EJ Obiena, gymnasts Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Levi Ruivivar at Emma Malabuyo boxers Aira Villegas, Nesthy Petecio, Hergie Bacyadan, Eumir Marcial at Carlo Paalam, rower Joanie Delgaco, weightlifters Vanessa Sarno, John Ceniza, at Elreen Ando at fencer Sam Catantan.