PSA

Olympians dadalo sa.PSA Forum

Robert Andaya Jun 10, 2024
75 Views

PANGUNGUNAHAN ng Philippine boxing team sa darating na Paris Olympics ang 3-in-1 session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila ngayong Martes.

Magbibigay ng kanilang mga saloobin sina Olympians Nesthy Petecio, Aira Villegas, at Hergie Bacyadan kasama ang mga national team coaches na sina Ronald Chavez, Reynaldo Galido, at Don Abnett sa 10 a.m. forum.

Dadalo din si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary general Marcus Manalo.

Makakasama nila sa public sports program sina PSC sports commissioner Fritz Gaston, na tatalakayin ang PSC Invitational Friendship Golf Cup ngayong weekend at Perlas ng Silangan Basketball League founder Christian Ensomo, co-founder Nato Agbayani, at consultant Rudy Aquino.

Ang forum ay itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ArenaPlus.