Calendar

Metro
Parking boy binoga ng kapwa parking boy, tigok
Jon-jon Reyes
Nov 9, 2024
181
Views
UTAS ang 43-anyos na parking boy nang barilin sa likod ng kapwa parking boy sa pagitan ng Maria Orosa St. at United Nations Avenue, Ermita, Manila noong Sabado.
Ayon sa mga saksi, binaril si alyas Michael Laki ng suspek na si alyas Andy bandang alas-11:45 ng tanghali. Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril
Napag alaman na nag-aaway ang dalawa tungkol sa agawan at diskarte sa mga magpapark sa Maria Orosa St.
Nauna rito, nagkaroon ng murahan ang dalawa hanggang sa nauwi sa pamamaril ng suspek sa likurang bahagi ng katawan ng biktima.
Nakatakbo pa ng ilang metro ang biktima subalit bumagsak din sa ‘di kalayuan at tuluyang nang natodas.
Patay na babae nakita sa bundok ng basura sa Payatas
May 14, 2025