Magsino

Partnership ng OFW Party List, CFO pinagtibay ng MOU

Mar Rodriguez Jun 23, 2025
45 Views

Magsino1PORMAL nang pinagtibay ang binuong partnership sa pagitan ng OFW Party List at Commission on Filipinos Overseas (CFO) sa pamamagitan ng nilagdaan nilang Memorandum of Understanding (MOU) upang maprotektahan ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ito ang nabatid kay OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino kung saan tinawag nitong “key partnership” ang nabuong ugnayan sa pagitan ng OFW Party List group at COF na pinamumunuan ni Dante “Klink” Ang II.

Ayon kay Magsino, ang nilagdaan nilang MOU ang nagpapatibay ng kanilang parehong commitment upang mapabuti ang kalagayan ng mga OFWs kasama na dito ang pagbibigay ng proteksiyon at empowerment ng mga Overseas Filipinos (OFs) at kanilang pamilya.

Sinabi nito na na mula ng itatag ang kanilang OFW Party List nagsimula na pagse-serbisyo nila para sa mga OFs bilang bahagi ng kanilang adbokasiya kung saan nakapagsagawa narin sila ng pakikipag-diyalogo sa mga OFs mula sa iba’t-ibang bansa.

Paliwanag ni Magsino na binibigyang linaw ang tinatawag na areas cooperation sa pagitan ng OFW Party List at CFO partikular na sa pagbibigay ng direktang serbisyo. community-based advocacy at legislative collaboration para sa mga OFWs at OFs.

Ipinahayag ng OFW Party List Lady solon na ang pangunahing layunin nito ay ang sabay na pagtugon ng kaniyang grupo st CFO sa mga pangangailangan at concern ng ating mga kababayang OFs at OFWs mula sa bansang kinaroroonan nila.

“Under the MOU, the OFW Party List will help disseminate inform on CFO programs particularly to Filipino immigrants and marriage migrants. The endorsed constituents by the OFW Party will also be provided counselling services and legal assistance by the CFO,” sabi ni Magsino.