Pasay

Pasay City nagtakda ng overseas job jair ssa MOA Agosto 27

Edd Reyes Aug 23, 2024
35 Views

NAGTAKDA ang Pasay City ng overseas job fair sa Agosto 27 sa Mall of Asia (MOA) music hall para sa mga gusto magtrabaho sa ibang bansa.

Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, magsisimula ang job fair ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Katuwang ng Pasay sa job fair ang Rotary Club of Pasay-MIA, JCI Manileña at PRIME Alliance.

Tiniyak ni Mayor Emi na walang babayaran, lalo na ng placement fee, ang mga aplikante sa job fair.

Maliban sa alok na trabaho, magkakaloob din ng orientation ang lokal na pamahalaan na itutuon sa proseso ng ligtas na pananatili sa ibang bansa at kung paano maiiwasan ang mga scammers at illegal recruiters.

Pinapayuhan ng Pasay ang mga interesadong aplikante na magsuot ng angkop na damit, magdala ng ballpen at maraming kopya ng updated resume.

Sinabi pa ng alkalde na maaari ring bisitahin ng mga interesadong aplikante ang FB page ng Public Employment Service Office (PESO) ng Pasay para sa karagdagan pang impormasyon.