Sports Mayor Sotto kasama ang iba pang panauhin sa Sports on Air.

Pasig nakatutok sa grassroots sports — Sotto

Ed Andaya May 8, 2023
268 Views

HINDI lang sa chess kundi sa lahat ng sports maipagmamalaki ang mga atleta mula Pasig City.

Ito ang tiniyak ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang pagbibigay pugay sa Pasig King Pirates na tinanghal na Professional Chess Association of the Philippined (PCAP) champion sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Ayon kay Sotto, proud siya sa mga achievements ng mga atleta mula sa Pasig sa iba’t ibang larangan ng sports.

“Hindi lang chess ang pinagtutuunan namin ng pansin dito sa Pasig. Top priority talaga namin dito ang sports,” pahayag ni Sotto sa panayam sa 65th “Sports on Air” progran via Zoom kamakailan.

“Holistic ang grassroot sports program namin. Madami kaming sports. Kahit nga nung kasagsagan ng pandemic, hindi kami tumigil sa mga training. Nun panahon na bawal ang face to face, sa zoom tuloy-tuloy ang training ng mga atleta namin, ” paliwanag ni Sotto, ns umsming mahilig din sa sports.

“At kung maiya-yabang ko lang kahit ng konti, nag No. 2 overall kami behind Baguio City sa nakaraang Batang Pinoy. Sa Palarong NCR, nag No. 2 kami sa elementary division behind only Quezon City at No 2 din kami sa high school behind only Manila. Kinakapos lang talaga dahil nagkulang yata ng one gold medal. Pero sa tingin ko, magandang resulta na ang mga jyan.”

Dagdag pa ni Sotto: “Ang dahilan kaya tayo nag i-invest sa sports ay dahil naniniwala tayong maganda ito para sa kalusugan ng mga kabataaan. Maganda ito sa discipline, team work at character building. Whether basketball, chess, badminton, gymnaztics or iba pang sports, lahat yan, napakaganda. Pati sa peace and order, maganda din ang sports dahil nalalayo sa mga bisyo ang mga kabataan.”

Tiniyak din ni Sotto ang kanyang buong suporta sa sports..

“Our next step is to come up with an even better and long-term porgram. We want to improve our sports facilities, get new and modern equipment and provide training for our athletes and coaches.” dugtong pa niya.

Dumalo din sa nasabing weekly program sina Pasig City Sports Director Rechie Tugawin, PCAP presodent Atty. Paul Elauria, Pasig coach Franco Camillo, IMs Idelfonso Datu at Eric Labog at Jerry Nodalo.