BBM1

Pass-through fee sa mga nat’l road inalis ni PBBM

211 Views

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pass-through fee na sinisingil ng mga lokal na pamahalaan sa mga trak na dumaraan sa mga national road.

“We are doing this to (implement) ease doing business and to lower the cost of transportation kasi kung dire-deritso ‘yung truck na makapunta doon sa pupuntahan niya talaga, mas mabilis. Ibig sabihin mas mura ang magiging transportation,” sabi ni Pangulong Marcos.

Inilabas ng Malacañang ang Executive Order (EO) No. 41 na nagbabawal sa mga local government units (LGU) na maningil sa mga trak na may dalang produkto sa mga kalsada na hindi naman sila ang nagpagawa.

Naniniwala ang Pangulo na sa pamamagitan ng EO ay mababawasan ang gastos ng mga trucker na bahagi ng 8-Point Socioeconomic Agenda ng administrasyon.

“Dahil hindi na titigil bawat boundary, mas mabilis ang pagdaan. So, it’s really about the ease of doing business. And to simplify, again, the procedures that are required for a transporter to bring the produce, especially from the farm to the market,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na hindi susunod ay papatawan ng parusa.