Vergeiri

Pasyente na unang kaso ng monekypox sa bansa nakatapos na ng isolation

191 Views

NAKATAPOS na ng kanyang isolation ang pasyente na siyang unang kaso ng monkeypox sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang 31-anyos na pasyente ay nasa ika-21 araw ng isolation na ngayong Biyernes, Agosto 5.

Ang pasyente ay makalalabas na sa Agosto 6 matapos bigyan ng clearance ng kanyang doktor.

Ang mga close contact ng pasyente ay nakasailalim pa sa isolation at kailangang tapusin ang 21 araw, ayon kay Vergeire.

Ang pasyente ay dumating sa bansa noong Hulyo 19 at nanggaling sa bansa kung saan mayroong kumpirmadong kaso ng monkeypox. Noong Hulyo 28 lumabas ang resulta ng pagsusuri ng laboratoryo at nakupirma na siya ay nahawa ng monkeypox.

Negatibo naman umano ang resulta ng pagsusuri sa iba pang pinaniniwalaang nahawa nito.