Hontiveros bukas sa Independent bloc
May 21, 2025
Calendar

Provincial
Patay na fetus narekover sa kubeta
Gil Aman
Apr 7, 2025
63
Views
NATAGPUANG patay ang tinatayang walong buwan fetus sa bowl ng comfort room ng Uno Fuel noong Linggo sa Brgy. Maytalang Uno, Lumban, Laguna.
Ayon sa ulat ng Lumban police, ang fetus na hindi binanggit ang kasarian iniwan sa bowl ng hindi kilalang babae dakong alas-9:30 ng umaga.
Ayon sa salaysay ng supervisor ng gasoline station, nagroroving siya ng mapadako sa comfort room kung saan natuklasan ang fetus.
Ipinagbigay alam niya sa Lumban police station ang pangyayari.
Dinala ng mga pulis sa Rural Health Unit ang fetus bago ilibing sa public cemetery sa naturang bayan.
Tanaw de Rizal suportado ng DAR
May 20, 2025
P68K na shabu nakuha sa 7 drug suspek sa Pampanga
May 20, 2025