Calendar
PATAY SA LINDOL , UMAKYAT NA SA 72- NDRRMC
UMAKYAT na sa 72 ang bilang ng nasawi sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Bogo City, Cebu.
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nadagdagan pa ng tatlo ang mga nasawi mula sa naunang bilang na 69.
Ayoin kay Office of Civil Defense o OCD Region 7 Director Joel Erestain, nasa 294 naman ang naiulat na nasugatan at wala namang nawawala.
Umaasa ang opisyal na hindi na madadagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa trahedya.
Samantala, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mahigit sa 2,400 aftershocks ang naitala kabilang ang isang magnitude 5 na lindol noong Miyerkules ng gabi.
Inasahan din anila na madadagdagan pa ang mga pagyanig sa lugar.
Sa ngayon, aabot sa mahigit 47,000 pamilya o halos 171,000 katao, at tinatayang 20,000 ang lumikas.
Pinapayuhan din ang publiko na iwasan na muna ang bumalik sa kanilang tahanan kung may mga bitak o pinsala ang mga ito.
Maari din anilang komunsulta sa mga engineer sa kanilang lokal na pamahalaan para matiyak na ligtas nang balikan ang mga ito.

