Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Laguna

20 bagets na lango sa party drugs tiklo sa NBI

Gil Aman Oct 2, 2025
366 Views

CALAMBA, LAGUNA–Nasa 20 kabataan, kabilang ang dalawang Yemeni, ang naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) habang lango sa party drugs sa siyudad na ito noong Lunes.

Hindi sinabi ang pangalan ng Yemenis pati ang umano’y anak ng kilalang pulitiko sa Laguna.

Ayon sa NBI, ang 13 kabataan ang naaktuhang gumagamit ng Ecstacy at cocaine na hinihinalang mula sa dalawang Yemeni nationals na kasamang nadakip.