Calendar
Source: Phivolcs
NOTAM malapit sa Taal pinalawig
PINALAWIG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Notice to Airmen (NOTAM) sa mga airlines o pribadong eroplano na lumilipad malapit sa Bulkang Taal ng hanggang 11,000 feet epektibo mula Oktubre 2 ng alas-8:32 ng umaga hanggang Oktubre 3 ng alas-9:00 ng umaga.
Pinapayuhan ang mga flight operator na iwasan ang paglipad malapit sa bulkan na nasa alert level 1.
Samantala, ilang biyahe ng Philippine Airlines sa Laoag International Airport ang kinansela dahil sa masamang panahon.
Ito ang mga flights na PR 2196, PR 2197, PR 2198 at PR 2199 (MNL–LAO–MNL), na nakaapekto sa kabuuang 425 pasahero.
Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kani-kanilang airline para sa pinakahuling update sa biyahe at rebooking.
Ito ay matapos pumutok ang Bulkang Taal madaling-araw ng Miyerkoles, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Dagdag pa ng Phivolcs na huminto ang pagbuga nito ng abo at usok na umabot sa taas na 2,500 metro bandang alas 2:15 a.m.
Itinaas ang. Alert Level 1 ang bulkan na nangangahulugang mababa ang antas ng unrest.

