Ibay Si Regional Director P/BGen. Arnold Thomas Ibay habang nagbibigay ng pahayag kaugnay sa pagkaka aresto sa mga suspek sa krimen sa Negros Occidental.

NegOc cops humataw; 5 arestado

Jon-jon Reyes Oct 3, 2025
231 Views

ARESTADO ang 5 suspek na tulak sa buy-bust sa Negros Occidental noong Huwebes dahil sa aksyon ng Police Regional Office-Negros Island Region (PRO NIR) sa pamumuno ni P/BGen. Arnold Thomas Ibay.

Unang nadakip sina alyas Mark John at Dave dahil sa paglabag sa RA 9165 at pagkakakumpiska ng mahigit kumulang sa 250 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon sa Purok Barracuda, Brgy. 1, Bacolod City bandang alas-8:45 ng gabi.

Naaresto naman si alyas Akilat nabawi mula sa kanya ang coinpurse na may lamang P12,000 at 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga P680,000.

Nagsagawa din ng buy-bust sina P/Lt. Col. Antonio Benitez Jr. na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Anthony Rico at nakumpiska mula sa kanya ang 170 na gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P1,156,000.

Sa operasyon na isinagawa bandang alas-7:29 ng gabi sa Calong-Calong, Zone 3, Bangga Saling, Brgy. Singcang-Airport, Bacolod City, nakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang shabu, 1 cellular phone, 1 Yamaha Nmax at P1,000 bill na buy-bust money.

Arestado ng mga operatiba ng San Enrique police ang suspek sa paglabag sa RA 9165 sa Rizal St., Brgy. Poblacion, San Enrique, Negros Occidental.

Bandang alas-9:12 ng gabi nang damputin ang suspek na nakilalang si alyas Marlon, 26.

Ang Tracker Team ng San Enrique police, sa pangunguna ni P/Capt. Rosinie Cabuena, ay nagsagawa ng manhunt na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado.